It's Not that Complicated: Bakit hindi pa sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 by Eros S. Atalia

Tagalog ang libro kaya nararapat lang na Tagalog din ang book review, diba?

-----------------------------------------------

Kwento ito ni Intoy(or Karl, or Dude) na iniwan ng ka-Friends with Benefits niyang si Jen. Etong ating bida, nainlab pala talaga kay Jen. Tapos, biglang nawala si Jen sa buhay niya. Ni ha ni ho, wala. At matapos ang isang taon, hindi pa din talagang tuluyang naka-move on itong si Karl.

Hanggang sa nagpasama itong si Tina sakaniya sa SSA(Sunday School Atheists) para sa ginagawa nitong thesis. Si Tina ang babaeng type ng boss ng boss ni Karl at ito rin ang dahilan kaya natanggap siya sa advertising company na tinatrabahuhan nila.

Si Tina ang ubod ng ganda, ubod ng puti at ubod ng sungit na babaeng pinapantasya sa opisina pero kinakatakutan din. Bitch nga ang tawag sakaniya dito.

Pero teka, bakit parang madaming pinapahiwatig itong si Tina kay Karl? Bakit parang nagugustuhan na niya si Tina, eh diba si Jen nga talaga forever and ever? At bakit bigla siyang isasama ni Tina sa Boracay?

Hep, hep, hep! Basahin ang libro. Haha.

------------------------------------------------------------------------

Gusto ko sanang ihalintulad ang librong ito sa Fifty Shades Trilogy dahil sa sobrang dami ng sex at very mature nga ang libro. Kung mababasa ito ng magulang ko, hindi ako papayagan siguro. Pero para ikumpara ko ang mga librong iyon sa librong ito ni Ka-Eros, eh parang nambabastos naman na yata ako sa lagay na iyon.

Ang librong ito ay madaming pinaparating na aral para sa henerasyon ngayon. Ang Henerasyong Artipisyal. Pati pag-ibig, nagiging artificial. Nagiging makabuluhan ang lahat ng bagay at pangyayari kung palagi kang magpapakatotoo. Iyon ang natutunan ko.

Bukod sa aral, nakakatawa talaga! Promise! I swear! Hanggang ngayon, trap pa din ako sa mundo ni Karl, Tina at Jen. Sige na nga, Mang Andoy, Benson at Mang Pedro na rin.

P.S. Para sakin na-inlove din si Tina kay Karl. At oo, virgin pa siya. At oo, mas gusto ko na sila nalang sana nagkatuluyan.



11 comments:

Joyce Antonio | September 14, 2012 at 8:50 PM

Hi Loraine! Thanks for reading my entry. :) its good to know that you've seen the moral of the story.. Keep on posting! :)

Loraine | September 15, 2012 at 10:06 AM

Thanks Ate Joyce! =D Salamat din sa comment at pagdalaw sa aking blog. ♥

Orange | September 15, 2012 at 4:44 PM

Hmm... Jen for the win pa rin ako, ang hirap isipin kung ano ang susunod na mangyayari. Pero alam mo, pakiramdam ko talaga, si Tina ang makakatuluyan ni Intoy. :D

Loraine | September 15, 2012 at 5:07 PM

Hello po Kuya LJ? Hindi ko pa kasi nababasa yung Ligo na U, Lapit na Me eh. Pero i'm sure magbabago din isip ko pag nabasa ko na. At ako din! May kutob din ako na sila nga ni Tina ang magkakatuluyan. :)

Anonymous | January 12, 2014 at 10:38 AM

Ano po bah ang buong pangalan ni Karl?

Loraine | January 12, 2014 at 2:29 PM

Hello Anonymous, ang buong pangalan ni Karl ay 'Karl Vladimir Lennon J. Villalobos'.

Jhunielle | January 12, 2014 at 2:44 PM

uhmm ano po bah ang kakalasan ng kwentong ito?

Loraine | January 12, 2014 at 2:51 PM

Ang kalakasan ay nailaad ko na sa aking book review sa itaas.

Anonymous | January 12, 2014 at 3:19 PM

Salamat Ate Loraine :)

Loraine | January 12, 2014 at 3:38 PM

Walang anuman! :)

Anonymous | March 15, 2014 at 9:15 PM

Ang ganda nga po, kttpos q lng basahin, I'm rooting for Tina too hehehe

Post a Comment