Ligo na u, Lapit na me by Eros S. Atalia

Sa wakas at nabasa ko na din. Kainis lang dahil hindi pala ito ang unang libro, trilogy pala at the moment ang buhay ni Karl Vladimir Lennon J. Villalobos. So kung hahangarin ko man maging historian ng fictional life nitong lalakeng 'toh, hahalughugin ko pa ang National Bookstore sa buong Metro Manila makabili lang ako ng kopya.

--------------------------------------------------------------------

Ito ang college life ni Intoy (si Karl Vladimir Lennon J. Villalobos). Nag-aaral siya sa UST at dito niya nakilala ang kauna-unahang babaeng nagpa-ibig sakaniya, si Jen (Jennifer Evangelista ayon sa movie version ni Direk Erick Salud).

May kangkangan-portion-mala-Friends with Benefits-kind of friendship sila ni Jen. Para bang Prestige card holder ka ng SM Malls, imbis na 'yung ordinary Advantage Card lang. Ginagawa nila ito pero hindi sila, may agreement na beforehand na walang inlove-an.

Biglang ginulpe-de-gulat ni Jen itong bida natin na siya ay buntis at hindi si Intoy ang ama!

Biglang nawala si Jen, hindi na nagpakita o nagparamdam. Ano ang nangyari? Basahin ang libro!

----------------------------------------------------

Natuwa ako sa witty narrations ni Mr. Atalia. Nauna ata itong book niya bago ang hollywood movie ni Mila Kunis at JT. Wow ha, copyright infringement. Hehehe

Mabuhay ang contemporary Philippine literature!



3 comments:

Orange | October 25, 2012 at 11:05 AM

Ngayong nabasa ko ito, iniisip ko tuloy kung anong title nung first book. LOLs. Kamote, nakalimutan ko talaga. You love books din pala, hehe. Recommend me a good book next time. :D

Loraine | October 27, 2012 at 5:56 PM

To LJ: Oh sure po! I'll recommend you something close to your taste. Just comment here or email me. :)

Anonymous | December 20, 2022 at 11:25 AM

Do you have softcopy of the book?

Post a Comment